Ibinahagi ng aktres ang kanyang naramdaman habang binabasa ang script ng Regal Studio Presents: My Last Chance.
“Iba ang kurot nitong storyang ito sa puso ko… Script reading pa lang sa zoom namin, umiiyak ako..” ayon kay Lotlot de Leon sa kanyang Instagram post.
Ang Regal Studio Presents: My Last Chance ay tungkol kay Mardie, isang babaeng inilaan ang buong buhay sa pag-aalaga ng biyudang ina.
Dahil dito, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na bumuo ng sariling pamilya.
Pero tila magkakaroon ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig si Mardie nang magbalik ang childhood sweetheart niyang si Rene, gagampanan ni Marcus Madrigal. Malalaman din niyang isa na itong biyudo.
Abangan ang Regal Studio Presents: My Last Chance sa GMA, 4:35PM sa GMA!